Kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid, “case solve” na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Practically solved na ang kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ambush interview sa loob ng eroplano na sinasakyan ng pangulo patungo sa Cambodia.

Aniya, sa loob lamang ng 17 araw mula nang maganap ang pamamaslang kay Percy Lapid ay agad na na-solve ang kaso.


Kaya good job aniya ang investigating bodies.

Pero tiniyak ng pangulo na magpapatuloy ang imbestigasyon para naman matukoy ang final conclusion ng imbestigasyon.

Ayaw naman munang magbigay ng komento ng pangulo sa mga ulat na may mas powerful pang indibidwal ang nasa likod ng pagpatay kay Lapid bukod kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag.

Tinawag namang terible ng pangulo ang sitwasyong maging ang BuCor chief ay nasasangkot sa pagpatay kay Percy Lapid.

Sa ngayon dahil suspendido na si Bantag at sinampahan na ng kaso, posible ayon sa pangulo na hindi na ito makakabalik sa pwesto.

Kaugnay nito, utos naman ng pangulo kay BuCor Officer-in-Charge Gregorio Catapang na gawin lang ang kanyang trabaho at partikular na alamin ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga iligal na aktibidad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Facebook Comments