Kaso sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid, hindi pa maituturing na case closed – Justice Secretary Boying Remulla

Hindi pa maituturing na case closed ang kaso ng pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Boying Remulla matapos ang isinagawang preliminary investigation sa inihaing reklamong murder sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at tatlong kasabwat nito.

Ayon kay Remulla, hindi maaaring isara ang kaso hangga’t hindi pa nakukuha ang kumpletong detalye at mga testimoniya kung saan ang lahat ng ebidensiya ay nais nilang masiguro.


Dagdag pa ng kalihim, may mga pangalan na rin silang hawak na sangkot sa pagpatay kay Lapid at pinag-aaralan na nila ang iba pang posibilidad sa kaso lalo na’t pamilyar at kilala ang ilan sa mga ito.

Sinabi pa ni Remulla, nakausap na niya si Dr. Raquel Fortun, ang unang babae na forensic pathologist sa bansa para magsagawa ng ikalawang autopsy sa bangkay ni Crisanto Villamor Jr., o Jun Globa Villamor na sinasabing middleman na nasawi sa loob ng New Bilibid Prison.

Ito’y dahil na rin sa kahilingan ng kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa.

Facebook Comments