Kasong negligence at graft, inirekomendang isampa laban kay DOH Sec. Duque ng joint House panel

Inihayag ni House Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor na posibleng negligence at graft ang mga kasong isasampa laban kay Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III kasunod ng umano’y iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Defensor, ito ang rekomendasyon ng joint House panel matapos mapabilang ni Duque sa report ng komite ng Kamara na naglalaman ng mga inirekomendang kaso laban sa mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa anomalya.

Nabatid na ilan sa isyung nakapaloob sa dokumento ay ang kontrobersiyal na Interim Reimbursement Mechanism na nakalaan para sana sa healthcare facilities nationwide bilang bahagi ng pagtugon sa COVID-19.


Matatandaang una nang sinampahan ng kaso sina dating PhilHealth Chief Ricardo Morales, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, Senior Vice President Renato Limsiaco Jr., at iba pa, kaugnay sa katiwalian sa ahensiya.

Facebook Comments