KATAPATAN NG ISANG PULIS BIBIGYANG PAGKILALA NG SP AKLAN

Kalibo, Aklan – Bibigyang pagkilala ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang katapatan ni Police Staff Sergeant Christian Ureta ng Altavas PNP matapos magsauli ito ng 4,570 Euros o katumbas ng P268,121.00.
Matandaang ayon kay PSSGT. Ureta, mga bandang alas 4:55 ng hapon Disyembre 6, 2022 ng mapansin niya ang supot sa tapat ng isang klinika sa Goding Ramos Street, Poblacion, Kalibo at ng kanya aniyang itong tingnan tumambad sa kanyang paningin ang nilalamang pera na may kasamang ATM at RFID cards.
Hindi umano siya nag atubiling kaagad pumunta ng Kalibo PNP Station para iturn-over ito, dahil alam niyang siguradong naghahanap na ang may ari nito.
Naibalik naman ito sa may aring isa palang Swiss National na si Mr. Weigel Uldrich Karl ng Laguinbanua East, Numancia, Aklan.
Mismo si Vice Governor Reynaldo Quimpo ang main sponsor at co-sponsor din ang lahat ng miyembro ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ng “A Resolution Commending Police Staff Sergeant Christian Ureta Of Altavas PNP, And Expressing The Deepest Appreciation And Pride of The Sangguniang Panlalawigan Of Aklan For His Exemplary Display Of Honesty And Adherence To Good Values.
Facebook Comments