Gumawa ng bagong kasaysayan ang Taiwan ngayong Biyernes, Mayo 24, bilang kauna-unahang bansa sa Asia na ginanap ang gay weddings.
Masayang nagpakasal ang mga same-sex couples dahil sa pagtatapos ng tatlong dekada ng pakikipaglaban para sa pantay na karapatan. Naganap ang mga kasalan isang linggo matapos paboran ng mga mambabatas ang pagsasalegal ng gay marriage na mariin namang tinututulan ng konserbatibong oposisyon.
Inilagay nito ang Taiwan sa kasaysayan ng pangunguna sa pagpapatupad ng gay rights movement sa Asia.
May ilang dosenang gay couples ang agad nagpalista sa government office sa downtown Taipei upang legal na magparehistro at magpakasal. Nagyakapan ang mga ito at naghalikan sa harap ng media saka ipinakita ang kani-kanilang wedding certificates at bagong identity cards na nagpapakita na sila’y mag-asawa na.
Kasama sa mga nagpakasal ang social worker na si Huang Mei-yu at partner na si You Ya-ting. Nagkaroon sila ng religious blessing na isinagawa ng isang progressive Buddhist master noong 2012 subalit hinangad pa rin nilang maranasan ang legal na pagpapakasal.
“It’s belated, but I’m still happy we can officially get married in this lifetime,” buong ningning na sabi ni Huang matapos pirmahan ang kaniyang marriage certificate habang hawak ang kanyang bouquet.
Ang legal recognition ng kaniyang pag-ibig, aniya, ay crucial step at maaaring makatulongsa iba na tanggapin ang kanilang relasyon.
“Now that same-sex marriage is legally recognized, I think my parents might finally feel that it’s real and stop trying to talk me into getting married,” dagdag pa niya.
Unang nagparehistro sina Shane Lin at Marc Yuan na nahulog sa isa’t-isa noong nasa kolehiyo pa lamang.
“It’s not been an easy journey and I’m very lucky to have the support of my other half, my family and friends,” ani Lin habang tumutulo ang luha nito sa galak.
“Today I can say in front of so many people that we are gay and we are getting married. I’m really proud that my country is so progressive,” dagdag pa niya.
Nangako naman ang mga oposisyon na parurusahan sina President Tsai Ing-wen at mga mambabatas na sumuporta sa gay marriage law sa January’s elections kung saan boboto ang mga Taiwanese ng bagong pangulo at parliament.