Kauna-unahang inhalable o nalalanghap na COVID-19 vaccine, inaprubahan ng China

Inaprubahan ng mga drug regulators sa China ang kauna-unahang inhalable o nalalanghap na vaccine sa COVID-19 sa mundo.

Pahayag ito ng Tianjin-based manufacturer na CanSino Biologics kung saan binigyan sila ng go-signal ng National Medical Products Administration para dito.

Ang naturang bakuna ay ipapamahagi sa pamamagitan ng nebulizer kumpara sa nakagawiang pagtuturok sa braso.


Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang kumpanya kung kailangan magiging available ito sa publiko.

Wala ring makakalap na datos na pwedeng makuha ng publiko kaugnay sa efficacy ng naturang bakuna.

Sa kabilang banda, patuloy rin ang pag-trial ng mga inhalable COVID-19 vaccine sa mga bansang Cuba, Canada at Estados Unidos.

Sa ngayon, mayroon nang siyam na locally manufactured vaccines sa China simula 2020 kung saan walo rito ang injectable o yung tinuturok.

Facebook Comments