Kakulangan sa isdang tamban, ramdam na sa ilang pamilihan

215

Ramdam na sa ilang pamilihan ang kakulangan sa suplay ng isdang tamban.

Sa Muñoz Market sa Quezon City, umiinda ang ilang tindera na dahil walang maibigay na suplay ang kanilang supplier ng naturang isda dahil sa pahirapang makakuha nito.

Tumaas naman sa 200 pesos ang kada kilo ang maliliit na galunggong mula sa 160 pesos kada kilo.


Habang umakyat na sa 240 pesos ang kada kilo ng malalaking galunggong mula sa 200 pesos kada kilo.

Mataas din ang presyo ng ilang isda katulad ng tulingan, matambaka, salay-salay at hiwas

Facebook Comments