Cauayan City, Isabela – Isinasagawa ngayong araw dito sa lungsod ng Cauayan ang kauna-unahang International Conference on Governance and Technology Exhibition on Climate Change Adoption and Disaster Risk Reduction Management.
Layunin ng naturang aktibidad na ibahagi ang mga kaalaman kaugnay sa pagbabago ng panahon at pananalasa ng mga sakuna.
Katuwang sa aktibidad ang Department of Agriculture, Department of Science and Technology, Commisson on Higher Education, mga LGU, iba’t ibang probinsya at mga panauhin na mula sa ibang bansa.
Inaasahang dadalo ang nasa dalawang daan at limampung mga panauhin na mula sa iba’t ibang lugar at mga bansa sa International Conference at magtatapos sa ika-bente sais ng Oktubre.
Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay Dr. Precila Delima, ang Executive Officer ng ISU Cauayan, sinabi niya na iprinisinta sa aktibidad ang mga best practices ng mga lalawigan at ibang mga bansa kaugnay sa climate change at DRRM na maaring i-adopt ng bawat bayan.
Ito narin umano ang isa sa magandang pagkakataon upang mas magkaroon ng mga kaalaman sa pangangasiwa sa mga sakuna ang iba’t ibang probinsyang dadalo.
Samantala, sisimulan ang aktibidad sa F.L.Dy Colesium ng Cauayan City at sa Marco Paulo Hotel.