Dismayado si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa dalawang taon na pagkaantala sa pagpapalabas ng IRR o Implementing Rules and Regulations para sa ganap na implementasyon ng Sagip Saka Act ng 2019.
Ayon kay Pangilinan, dahil wala pa ring guidelines ay nabibitin ang maraming mga magsasaka at mangingisda na dapat sana ay nakikinabang sa ₱41 bilyong nakalaan para sa direktang pagbili ng pagkain na nakapaloob sa 2021 national budget.
Diin ni Pangilinan, maganda sanang stimulus o pantulak itong ₱41 billion para sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda lalo na ngayong pandemya.
Giit pa ni Pangilinan, aandar at gugulong ang ekonomiya sa kanayunan kapag nagastos ang ₱41 billion para direktang bilhin ng mga ahensya ng gobyerno ang ani at huli ng mga magsasaka at mangingisda.