Patay ang isang empleyado ng DAR Maguindanao matapos itong mabiktima ng pamamaril noong sabado 8:30 ng gabi sa earth street Zenaida subdivion o sa gilid lamang ng dating UM College sa barangay RH-8. Kinilala ang biktima nasi Julie Bero 43 anyos na resident eng Krislamville barangay RH-6, siyay nagtamo pitong tma ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan at isa sa ulo na nagging sanhi ng agara nitong kamatayan. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2 ni PCI Efren Salazar, kasagsagan umano ng malakas na ulan noon at aktong pasakay na sana ang biktima sa kanyang Honda XRM 125 ng lapitan ng isang hindi nakikilalang gunman at walang kaabog-abog na pinagbabaril…Matapos ang insedente ay mabilis namang tumakas ang suspect. Sa pagresponde ng kapulisan ay nakita nilang nakahandusay ang biktima sa tabi ng kanyang motorsiklo, narecover sa crime scene ng SOCO TEAM ang siyam na piraso ng fire cartridge at dalawang fire bullets ng calibre 45 pistol…Sa ngayon ay patuloy pa ang inbestigasyon ng PP2 sa krimen inaalam kung anu ang motibo sa insedente at kung suni ang salarin.
Kawani ng DAR Maguindanao patay sa pamamaril
Facebook Comments