Kevin Durant, tinanggal sa kasagsagan ng bakbakang Warriors-Nuggets

Tinanggal si Golden State Warriors forward Kevin Durant sa kasagsagan ng bakbakang Warriors-Denver Nuggets.

Pinaalis si Durant sa second half ng laro dahil sa pakikipagtalo sa mga game official matapos siyang tawagan ng personal foul.

Ayon kay Warriors coach Steve Kerr – bagamat wala pang paliwanag ang National Basketball Association (NBA) management sa nangyari, iginagalang pa rin nila ang naging desisyon.


Bukod rito, una nang naglabas ang NBA ng kautusan na pinagmumulta ang tatlong warriors players na kinabibilangan nina Durant, Stephen Curry at Draymond Green dahil sa pakikipag-away sa mga referee.

Facebook Comments