Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan ng ating mga ka-Radyoman ngayong araw ng Huwebes.

Patuloy kasing nakakaapekto ang easterlies sa halos buong bansa, kasama na ang Metro Manlia.

Sa loob naman ng bente kwatro oras ay asahan ang mga biglaang pag-ulan sa ilan bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Mindanao.


Ang temperatura ngayong araw sa Metro Manila ay nasa 23 hanggang 33 degree Celsius, Tuguegarao 22-34 degree Celsius, Metro Cebu 24-31 degree Celsius at Metro Davao 25-33 degree Celsius.

Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybayan ng bansa.

Facebook Comments