FIBA | Coach Guiao, planong paglaruin sina Standhardinger at Pringle sa 2nd Window ng FIBA World Cup Qualifiers

80

Plano ngayon ni coach Yeng Guiao na gamitin pareho sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers.

Ayon kay Guiao, pagpapalitin niya sina Standhardinger at Pringle sa mga laro laban sa Iran at Qatar kung saan bawat isa sa kanila ay maglalaro ng isang beses.

Dagdag pa ni Guiao, depende kung sino ang uunahin niyang paglaruin lalo na at sa September 13 ang kanilang laro sa homecourt ng Iran habang sa September 17 ang laban kontra Qatar at sa Manila ito gaganapin.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ni Coach Yeng ang style ng laro ng Iran at umaasa siya na makakasungkit sila ng panalo.

Facebook Comments