MANILA – Tiniyak mismo ni United States Ambassador to the Philippines Sung Kim na walang permanenteng depot sa Pilipinas ang Amerika.Ayon kay Kim, siguradong mali ang impormasyong nakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte.Reaksyon ito ni Kim sa sinabi ni Pangulong Duterte nitong linggo na nag-a-unload ang Estados Unidos ng mga armas sa Cagayan De Oro, Palawan at Pampanga.Sa kanyang press conference, sinabi ng pangulo na magse-serve siya ng notice sa Amerika na itigil ito.Iginiit din ni Pangulong Duterte na labag ito sa visiting forces agreement, na nagsasabing hindi puwedeng magkaroon ng permanent facilities ang U-S-A sa bansaPero ayon mismo kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, wala silang makumpirmang anumang konstruksyon ng mga permanent depot.Pero sa kabila nito, pinanindigan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang sinabi ni Pangulong Duterte.
Kinatawan Ng Amerika, Itinangging Nag-A-Unload Ng Armas Sa Ilang Bahagi Ng Bansa
Facebook Comments