Kinatawan ng BOC, Dumating na sa Bodegang Sinalakay ng Otoridad

Cauayan City, Isabela- Dumating na ang mga kinatawan ng Bureau of Customs mula pa sa Metro Manila para personal na siyasatin ang bodegang pagawaan ng mga pekeng yosi.

Ayon sa grupo ni Mr Jay Jernalim ng BOC, ang nangyaring raid sa bodega na inaakalang Roce Mill ay konektado sa mga nauna nang sinalakay sa Zamboanga at Marilao, Bulacan.

Ayon namn sa kinatawan ng DTI mula Metro Manila, sila ang namuno sa raid sa Marilao at kinumpirma nilang Well trained ang mga machine operator mula sa Mindanao.


Pamilyar na rin umano sa kanila ang mukha ng mga tarabahador dahil salitan lang din sila sa ibat-ibang lugar ng pagawaan ng sigarilyo.

Narito rin sila para personal na alamin kung ang mga Korean National na nagbabantay sa bodega ay kasama sa listahan ng kanilang naunang isinagawang raid.

Samantala, umalma ang BIR Region 2 sa plano ng BOC na kunin ang mga makina sa paggawa ng sigarilyo.

Ayon kay Atty. Chito Dela Peña, head ng legal division, may karapatan aniya sila sa disposisyon sa mga makina bilang lead team sa nangyaring raid.

Facebook Comments