Kinatawan ng Probinsya ng Quirino, Panalo sa Kauna-unahang Mural Competition

Cauayan City, Isabela- Nasungkit ng pambato ng probinsya ng Quirino ang unang pwesto sa kauna-unahang imbitasyon ng Lungsod ng Santiago sa larangan ng Mural Competition.

Sampung grupo ang lumahok sa ‘Nagpintas Invitational Mural Competition’ ng Santiago City bilang bahagi sa 2021 Balamban Dance Festival sa ika-27 na pagdiriwang ng pagiging Lungsod ng Santiago kung saan tatlong (3) contenders ang mula sa Lungsod ng Santiago, tatlo (3) sa Isabela, dalawa (2) sa Lalawigan ng Quirino, at dalawa (2) rin sa Nueva Vizcaya.

Nakuha naman ang pangalawang pwesto ng kinatawan ng Nueva Vizcaya, pangatlo ang pambato ng Lungsod ng Santiago, pang-apat ang kinatawan ng Isabela samantalang pang-lima ang Team ng Santiago City.


May tema ang nasabing patimpalak na “Kultura at tradisyon ng bawat Pilipino” na ginanap noong ika-15 hanggang 17 ng Hulyo sa Integrated Terminal Complex, General Malvar, Santiago City.

Facebook Comments