iFM Laoag – Sinuspinde ni Gobernador Matthew Marcos Manotoc ang mga klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Ilocos Norte, an nakasaad sa kanyang Executive Order No. 59-20.
Ang nasabing suspensyon ay bunga ng naunang pagpupulong ng multisectoral upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa lalawigan.
At dahil wala nang pasok sa buong halos sa buong bansa, posible pang lulubo pa ang bilang ng mga uuwi sa lalawigan. Nakahanda naman ang lokal na gobyerno upang tugonan ito. Wala pang naitalang pasyente na nagpositibo sa sakit sa lalawigan.
Sa tala ng Department of Health kagabi lamang umabot na ng 64 ang bilang ng mga kompirmadong nadapoan ng nasabing sakit.
Samantala, pinapayuhan ang mga mag-aaral na manatili sa bahay at makipag-usap sa online sa kanilang mga guro para sa gabay sa kanilang kurso.
Inirerekomenda na ang publiko ay maging ligtas sa lahat ng oras at tumulong sa isa’t isa upang labanan ang banta ng coronavirus. (Bernard Ver, RMN News)