Klase sinuspende sa Cotabato City

Ideniklarang suspendido ang pasok sa eskwela sa Cotabato City mula Pre- School at Elementary mapapubliko man o pribado ngayong araw bunsod na rin sa sama ng panahong nararanasan.
Ang deklarasyon ay nagmumula sa tanggapan ni City Mayor Frances Cynthia Guiani .
Hanggang sa ngayon ay nakakaranas ng kasungitan ng panahon ang syudad maging mga kalapit lalawigan dahil sa bagyong si Urduja.
Nagpapatuloy naman ang monitoring ng CDRRMO.

Facebook Comments