MAPAYAPANG PAMUMUHAY | Ilang miyembro ng New People’s Army, sumuko

Compostela Valley – Sumuko sa mga otioridad ang nasa 173 na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Maco, Compostela Valley province.
Ayon sa Philippine Army, kasamang isinuko ng mga ito ang 64 na mga armas kabilang na ang mga high powered at home made guns, gayundin ang mga Improvised Explosive Devices.
Nabatid na ginawa ng mga rebelde ang pagsuko sa pamamagitan ng community support program kung saan marami pang miyembro nila ang gustong sumuko dala ang kanilang mga armas.
Kaagad namang ipoproseso ang mga dokumento ng NPA surrenderees upang makapagsimula na ng mapayapang pamumuhay matapos ang maraming taong pakikipagsagupa sa gobyerno.

Facebook Comments