TAMA SA PANGA | Retiradong pulis, sugatan matapos pagbabarilin

Tondo – Sugatan ang isang retiradong pulis matapos barilin ng dalawang suspek sa Brgy. 104, Tondo, Maynila.
Sa ulat, nasa labas ng kaniyang bahay ang biktimang si PO2 Rajenie Cayabyab sa Maginoo street nang biglang sumulpot at pinagbabaril siya ng mga suspek.
Mabilis na tumakas ang mga suspek kung saan agad na itinakbo sa Mary Johnson Hospital ang biktima na may tama ng bala sa panga.
Wala naman gustong magsalitang kapitbahay dahil sa takot na madamay kaya’t patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments