Cauayan City, Isabela- Pinangangambahan ang mangyayaring kakapusan ng condom matapos na ipasara ang pinakamalaking pagawaan nito dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.
Batay sa report ng isang ahensya ng pahayagan, nangangamba ang Chief Executive Goh Miah Kiat ng pabrika ng condom sa Malaysia na magkaroon ng malawakang shortage sa condom dahil sa pagtigil ng kanilang kumpanya ng ilang araw.
Dahil dito, tinatayang nasa 100 milyong condom ang hindi nagawa na naibebenta at naipapamahagi sa mga programa gaya ng UN Population Fund.
Nababahala si Goh sa magiging epekto ng kakulangan ng condom na mabisang proteksyon upang makaiwas sa STD’s o HIV at ginagamit rin sa family planning kung patuloy na magsasara ang pabrika.
Kaugnay nito, pinayagan rin na mag-operate ang kumpanya subalit 50 porsyento na lamang sa mga kawani nito ang maaaring magtrabaho.