Konsehal sa Allacapan, Cagayan, Patay Matapos Pagbabarilin ng Riding-In-Tandem,

Allacapan, Cagayan- Dead on the Spot ang isang Incumbent na konsehal matapos pagbabarilin ng Riding-in-Tandem pasado alas kwatro nitong hapon sa Brgy. Lamben, Allacapan, Cagayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Cagayan Provincial Director Police Senior Supt. Warren Tolito, ang konsehal ay kinilalang si Zaldy Mallari ng bayan ng Allacapan at isa ring retiradong pulis ng naturang bayan at aniya, kasalukuyan na ang kanilang isinasagawang pagtugis laban sa mga suspek.

Batay sa ulat ni PD Police Senior Supt. Warren Tolito, abala sa pag-aayos sa kanyang Welding shop ang konsehal ng may dalawang lalaki ang lumapit at nagtanong sa kanya subalit bigla na lamang itong pinagbabaril ng dalawang lalaki gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril na agad ding tumakas sa pinangyarihan kasama ang isa pang lalaki.


Ayon pa kay Provincial Director Tolito, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, inaako umano ng Danilo Ben Command o mga kasapi ng New People’s Army ang pagpatay sa konsehal dahil mayroon umano itong isyu gaya ng pag-aampon sa mga Intel Operatives ng PNP at AFP, pangangamkam ng lupa at may kaugnayan din umano ito sa iligal na droga.

Nilinaw pa ni Cagayan Provincial Director Police Senior Supt. Warren Tolito hinggil sa mga lumabas na paratang ng NPA sa naturang konsehal na kanila muna itong aaraling mabuti at hinihiling ngayon ng PNP Cagayan ang suporta at tulong ng taumbayan upang maresolba agad ang pamamaslang kay Councilor Zaldy Mallari.

Facebook Comments