Konstruksyon ng MRT – 7 sa North Avenue station, sisimulan ngayong araw

Manila, Philippines – Sisimulan na ngayong araw ang konstruksiyon ng MRT-7 sa North Avenue station sa tapat ng Veterans Memorial Medical Center o VMMC.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang snasabing kalsada at pinaayuhang humanap ng alternatibong ruta.

Ayon sa MRT-7 project traffic management task force, sasakupin ng konstruksiyon ang dalawang gitnang lane ng North Avenue.


Pero mananatiling bukas ang tatlong lane papuntang Quezon Memorial Circle habang dalawang lane naman ang madaraanan patungong EDSA.

Ang MRT-7 ay tatakbo mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.

Facebook Comments