Konstruksyon ng Tatlong Palapag na Bagong Gusali ng BJMP Cauayan City, Matatapos Na!

Cauayan City, Isabela – Inaasahang matatapos na sa buwan ng February, 2019 ang konstruksyon ng tatlong palapag na bagong gusali ng BJMP Cauayan City.

Ito ang kinumpirma ni Jail Chief Inspector Atty. Romeo Villiante Jr. ng BJMP Cauayan City sa panayam ng RMN Cauayan.

Aniya, target sa March 2019 na matapos ang gusali ngunit dahil sa mabilis umano ang kontratista ng gusali ay maaring sa buwan na ng Pebrero ito matatapos.


Sinabi pa ni Atty. Villiante Jr. na ang bagong gusali ay makakapagbigay ito ng magandang lugar sa mga sa Persons of Deprived Liberty o PDL ng BJMP Cauayan.

Maluwag na aniya ito para sa natirang 209 na mga PDL o maari pang mabawasan ang nabanggit na bilang dahil sa inaasahan din umano ang paglaya ng iba pang PDL sa unang linggo ng buwan ng Enero taong 2019.

Matatandaan na may inilaang 16 million pesos na pondo ang naturang gusali kung saan layunin ng pagpapatayo nito na maibsan ang masikip na kulungan at mapaganda ang antas ng kalagayan ng mga PDL.

Facebook Comments