KONTRAKTWALISASYON | Executive Order, binubuo ng DOLE

Manila, Philippines – Bumubuo ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng executive order na magbibigay ng mabigat na parusa sa mga establisyimento na nagsasagawa ng illegal contractualization.

Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod – nagsasagawa na sila ng konsultasyon sa mga labor groups para sa draft ng e-o na ipapasa nila sa Malacañan sa susunod na buwan.

Umaasa aniya na mapipirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Matatandaang target ng DOLE na tapusin ang lahat ng uri ng kontraktwalisasyon bago matapos ang taon.

Facebook Comments