Kontrata ng BI sa 8 job order contractors, pinatatapos na ni Sec. Guevarra

66

Manila, Philippines – Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Bureau of Immigration (BI) na tapusin ang kontrata sa walong job order contractors na sangkot sa sinasabing pangingikil ng mahigit siyam na milyong piso sa mga Korean nationals na inaresto sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay DOJ spokesperson at undersecretary Markk Perete, matapos rebyuhin ang terms of engagement ng mga job order contractors at ang mga ebidensya laban sa mga ito, nakitaan ng kalihim ng sapat na factual at legal na batayan para i-terminate ang kontrata ng mga ito.


Una nang inilagay ng DOJ sa preventive suspension ang 10 iba pang opisyal at tauhan ng BI na kasama ng grupong nag-aresto sa mga Koreano at nangikil sa mga ito.

Tatagal ng siyamnapung araw ang suspensyon sa nasabing BI employees habang iniimbestigahan kung nakagawa sila ng grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Facebook Comments