Korean-American drug supplier Jun No, sinampahan na ng kaso ng DOJ

Manila, Philippines – Sinampahan na kaso ng Department of Justice (DOJ) sa Pasay City Regional Trial Court ang Korean-American drug supplier na si Jun No.

Nabatid na si No ay nakatakas sa East Avenue Medical Center kung saan siya nagpapagaling matapos operahan dahil sa kanyang acute appendicitis.

Nahaharap si sa paglabag sa section 5 article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic act 9165 dahil sa pagbebenta ng 140 tablet ng ecstasy sa isang entrapment operation noong April 5.


Tinatayang nasa 420,000 pesos ang halaga ng mga nakumpiskang party drugs.

Sinampahan rin ng reklamo ang dalawang police personnel na nagbabantay sa suspek matapos itong makatakas.

Facebook Comments