Monday, February 2, 2026

Korte may nakaamba pang warrant of arrest vs Ang

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa naiisyu ng korte ang isa pang warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Ito ay kaugnay pa rin sa kaniyang pagkakadawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, inaalam pa nila kung bakit hindi pa nailalabas ng Regional Trial Court (RTC) ng San Pablo, Laguna ang warrant kay Ang.

Hindi naman masabi ni Fadullon kung may inihaing mosyon ang kampo ni Ang para ipawalang-bisa ang arrest warrant kaya wala pang inilalabas ang naturang korte.

Nauna nang nag-isyu ng arrest warrant ang RTC ng Sta. Cruz, Laguna at Lipa City Batangas kung saan siya nahaharap sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad kay Ang na sinasabing nakalabas na umano ng bansa sa pamamagitan ng backdoor.

Facebook Comments