Korte Suprema, dumepensa sa hirit na dagdag budget para sa susunod na taon

55

Dumepensa ang Korte Suprema sa hirit nilang dagdag budget sa Hudikatura sa susunod na taon.

Partikular ang dagdag na pondo para sa Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at lower courts sa bansa para sa 2023.

Ayon kay Court Administrator Raul Villanueva, ang ipinanukala nilang 2023 budget para sa Hudikatura sa Department of Budget and Management (DBM) ay P74.18 billion.


Pero ito ay tinapyasan aniya ng DBM ng mahigit P 21.4 billion at pinaglaanan na lang ng P52.72 billion sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program.

Bagama’t mas mataas ito ng P5 bilyon kumpara sa pondo nito ngayong 2022 ay maliit pa rin aniya ang inaprubahang pondo ng DBM.

Kaugnay nito, hiniling ng judiciary officials na maikonsidera na dagdagan ng P2.8 bilyon ang P52.7 billion proposed budget.



Gagamitin ang additional funds sa 2023 Bar Exams at mga benepisyo ng court personnel.

Facebook Comments