Anim na suspek, arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Rizal

Arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operations ng Anti-Narcotics Group ang anim na suspek na sangkot sa ilegal na droga sa lalawigan.

Kinilala ang mga suspek na sina John Carlo Santos, Janice SesbreƱo, Mark Nelson Belleza, at Efraim Hernandez na naaresto sa barangay Looc sa Cardona.

Nakumpiska sa mga nasabing suspek ang sampung sachet ng shabu na tinatayang may 50 gramo at may street value na P340,000.


Samantala, naaresto sa antipolo ang suspek na si Leonardo Virgin na nakumpiskahan ng dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 40,800 pesos, habang timbog naman ang isa pang suspek na si Joseph Gascon sa Brgy. Cupang na nakumpiskahan ng P54,000 na halaga ng shabu.

Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga nasabing suspek.

Facebook Comments