Korte Suprema, ipinag-utos sa lahat ng judicial premises ang mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask

Ipinag-utos ng Korte Suprema ang mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask sa lahat ng judicial premises

Sa harap ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga empleyado ng hudikatura.

Sa ngayon, nagtalaga muna ang Supreme Court ng skeleton workforce sa essential offices nito tulad ng Judicial Records Office, Cash Collection and Disbursement Division, Fiscal Management and Budget Office, at Medical and Dental Services.


Ito ay matapos na pauwiin na kaninang tanghali ang mga empleyado ng Korte Suprema para bigyang daan ang disinfection at sanitation sa mga gusali at tanggapan nila.

Ipinauubaya naman ng SC sa presiding justices ng appellate courts at executive judges ng mga korte sa NCR ang pagsasagawa ng sariling disinfection sa kanilang mga opisina at gusali.

Facebook Comments