Pinagtibay ng Korte Suprema ang kautusan ng Energy Regulation Commission (ERC) noong 2013 na nagbabasbas sa Manila Electric Company sa pagpapataw ng dagdag-singil sa mga consumer na aabot sa mahigit ₱22 billion.
Sa botong 6-5, ibinasura ng Supreme Court ang magkakahiwalay na petisyon ng Bayan Muna at National Association of Electricity Consumers for Reforms laban sa ERC.
Ayon sa Korte Suprema, hindi nakitaan ang ERC ng grave abuse of discretion nang payagan nito ang Meralco para sa staggered power rate increase na ₱22.54 billion na generation o recovery cost.
Nag-ugat ito sa shutdown ng Shell Philippines Exploration ng Malampaya at maintenance ng iba pang power generation plants.
Ayon sa Korte Suprema, ang pag-apruba ay alinsunod sa guidelines for the automatic adjustment of generation rates and systems loss rates at ang ERC ay kumilos lamang alinsunod sa kapangyarihan nito.
Ang rate hike ng Meralco ay hindi naman naipatupad noong mga nakalipas na taon, dahil sa inisyung Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema.
Ayon sa Bayan Muna, ito na ang pinakamataas na power rate hike sa kasaysayan sa bansa kung maipatutupad.