KULANG SA PLAYERS | Coach Chot Reyes, nagpaliwanag kung bakit isinali sa line-up ng Gilas Pilipinas si Calvin Abueva

Sports – Ipinaliwanag ni Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes ang dahilan kung bakit nito isinali sa line-up si Calvin Abueva na una na niyang nilaglag sa listahan na pagpipilian ng mga players na sasabak sa Second Window ng 2019 FIBA World Cup Qualifiers.

Ayon kay Reyes, isinama niya si Abueva dahil sa makukulangan sila ng mga players lalo na’t may injury si Mac Belo at hindi pinayagan ng mga doktor na maglaro si Troy Rosario habang No Show naman si Raymond Almazan.

Sinabi pa ni Reyes, na naging masigasig sa practice si Abueva kahit alam nitong wala na siyang pag-asang makasali kung kaya’t kaniya na itong isinama sa Roster ng Gilas na lalaban sa team ng Australia sa February 22.


Umaasa naman si Reyes na kahit na itinuturing na maliit ang line-up ng Pilipinas ay mananalo pa din sila sa Australia kahit pa malalaki ang mga players nito.

Facebook Comments