KULONG! | Lolo, arestado sa pangmomolestya sa isang menor de edad sa Quezon City

34

Manila, Philippines – Arestado ang isang lolo matapos na mang-molestiya ng isang 12-anyos na dalagita sa Area-C, Batasan Hills sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Joseph Tomenden, 48-anyos, isang security guard.

Sa ulat, tinakot ng suspek ang biktima na babarilin ang mga kamag-anak nito kapag hindi pumayag sa kaniyang kagustuhan.

Kaya naman inireklamo ng pamilya ng biktima si Tomenden sa mga otoridad na silang nagsagawa ng entrapment operation kung saan sa loob mismo ng bahay ng suspek naabutan ito kasama ang biktima.

Kwento ng bata, bukod sa paghalik, hinahawakan din ng suspek ang maselang parte ng kaniyang katawan.

Todo tanggi naman sa paratang ang suspek at sinabing apat na buwan na silang may relasyon ng 12-anyos na biktima.

Facebook Comments