TIMBOG | No. 1 Most Wanted Person sa General Trias City, arestado

14

Cavite – Nadakip na ng General Trias City Police ang isang lalaki na itinuturing nilang no. 1 most wanted person.

Nabatid na mayroong dalawang bilang ng kasong rape sa nasabing lungsod ang suspek na si Toribio Orias.

Natunton ng mga otoridad si Orias sa kanyang pinagtataguang bahay sa isang subdivision sa Barangay Santiago, General Trias.

Sa ngayon, nakakulong na si Orias sa Detention Facility ng General Trias City Police Office kung saan mariin pa idn nitong itinaranggi ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Facebook Comments