KUMPIYANSA | Philippine Men’s Basketball Team, kumpiyansang uusad sa susunod na round ng 2018 FIBA 3×3 World Cup

Manila, Philippines – Kumpiyansa pa din ang Men’s National Basketball Team na uusad sila sa susunod na round ng 2018 FIBA 3×3 World Cup.

Sa unang araw ng pagsabak sa FIBA 3×3, nakakuha ng isang panalo at isang talo ang Team Philippines kung saan tinalo nila ang Brazil sa score na 15-7 pero natalo naman sila sa Mongolia sa score na 21-17.

Ayon kay Coach Ronnie Magsanoc, malaki ang tsansa ng Pilipinas na magpatuloy sa quarterfinals lalo na at nagkakaron na ng chemistry ang mga players na sina Stanley Pringel, Christian Standhardinger, RR Pogoy at Troy Rosario.


Ngayong araw ay makakaharap nila ang wala pang talo na Canada at ang third seed na Russia na mapapanood pa sa Philippine Arena.

Facebook Comments