Kunsiderasyon sa posibilidad ng pagpapalawig ng SIM card registration, inilatag ng NTC

Ilang bagay ang ikinukunsidera sa posibilidad na magkaroon pa ng extension sa SIM card registration na magtatapos sa darating na Abril 26.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Atty. John Paul Salvahan na ilan sa mga ikokonsidera ay ang rate of registration at dahilan kung bakit may mga hindi makapagpa-rehistro.

Sa kasalukuyan ayon kay Salvahan ay 75.5 million o 45% pa lamang ng bilang na dapat makapag- parehistro ang rehistrado na ayon sa huling ulat kahapon, Abril 20.


Sinabi ni Salvahan kung sakali na magkaroon ng pagpapalawig sa registration, sapat na aniya ang 120 days.

Hindi naman sila umaasang maaabot talaga ang 100 percent registration rate mula Abril 1 to 18 ay halos nakapagtatala sila ng 1 million registrants kada-araw.

Facebook Comments