KUSANG LOOB | 2 supporters ng Maute-ISIS at mga kaanak nito, sumuko sa Lanao del Sur

Lanao del Sur – Sumuko sa tropa ng militar ang dalawang supporters ng Maute-ISIS at mga kaanak nito sa Lanao del Sur.

Ayon kay 1st Infantry Division Spokesperson Major Ronald Suscano ang mga supporters ay sina Panarigan Tama Baoraki alyas Golden Boy at Hadji Rasul Amembering.

Sinasabing ang dalawa ay hinihinalang lider ng Maute group at supporters ng Maute-ISIS Terrorist na nag-ooperate sa Lanao del Sur kung saan naging target sila ng militar noong July 26 pero nakatakas.


Bukod sa dalawa sumuko rin ang mga kaanak nila na sina Omair Amembering, Amir Salik, Andy Salem Amembering, Zolaica Amatonding at Norman Fatima Casan.

Isinuko rin nila ang kanilang mga high powered firearms tulad ng cal 7.62mm M14, dalawang cal 5.56mm M16A1 rifles.

Isinailalim naman ang mga sumuko sa custodial debriefing sa headquarters ng 103rd brigade sa Kampo Ranao.

Facebook Comments