KUSANG LOOB | 6 na miyembro ng BIFF sa Maguindanao, sumuko sa militar

13

Maguindanao – Sumuko sa militar ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander General Cirilito Sobejana, mga miyembro o tauhan ni Gani Saligan na isang faction ng BIFF ang mga sumukong terorista.

Ang grupo nila ay notoryus na nag-ooperate sa may bahagi ng south-western ng Liguasan Marsh.

Sinabi ni Sobejana na kabilang sa anim na sumuko na BIFF members ay si Dido Malawan, 45-anyos at Deputy Brigade Commander ng BIFF’s 2nd Division.

Sa pahayag ni Malawan, sinabi nitong wala ng dahilan para sila ay patuloy na makipaglaban sa pamahalaan.

Isinuko ng mga sumukong BIFF members ang kanilang dalawang rocket propelled grenade launchers, dalawang cal 50 sniper rifles, 1 M14 rifle at isang cal 30 bolt action sniper rifle.

Facebook Comments