Monday, May 11, 2026

Senador, pinatitiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy seafarers sa Strait of Hormuz

Pinatitiyak ni Senator Erwin Tulfo sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaligtasan ng mga Pinoy seafarers na dumaraan sa Strait of Hormuz.

Kaugnay ito ng pagatake ng Iran sa Maltese-flagged container na may lulan na 24 na Pinoy seafarers noong Mayo 5 kung saan may pitong sugatan at tatlo ang malubha.

Ayon kay Tulfo, kakausapin niya si Foreign Affairs Secretary Tess Lazaro para tanungin ang Iranian Embassy kung valid pa ba ang pangako nila na hindi gagalawin ang mga Filipino seaman na dumadaan sa Strait of Hormuz.

Dahil aniya sa nasabing insidente, maraming mga Pinoy seaman ang stranded ngayon sa Strait of Hormuz.

Sinabi ni Sen. Erwin na kailangan ng malinaw na sagot mula sa Iranian government kung ligtas pa rin ba ang mga Pinoy seaman na dumaan sa lugar o kung hindi na ba para maabisuhan ang mga kababayang seafarers.

Nangako naman si Lazaro na makikipagpulong sa Iranian Ambassador ngayong linggo para alamin kung aktibo pa rin ba ang kasunduan sa “safe passage” sa mga Pinoy seaman.

Facebook Comments