Labi ng Dalawang Batang Nalunod sa Ilog Cagayan, Narekober na

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) ang labi ng dalawang (2) batang nalunod kahapon sa Ilog Cagayan.

Nakita ang labi ng dalawang binatilyo sa magkaibang lugar ng Ilog Cagayan na kung saan unang natagpuan kaninang umaga ang bangkay ni Mark Anthony Tuppil, 13 taong gulang sa bahagi ng jack stone sa Barangay Bagay, Tuguegarao City.

Natagpuan naman sa Barangay Babayuan, Amulung ang bangkay ng isa pang biktima na kinilalang si Vince Nino M. Narag, 12 taong gulang.


Ang dalawang batang biktima ay parehong residente ng Atulayan Sur, Tuguegarao City.

Naihatid na rin sa kanilang tahanan ang bangkay ng dalawang biktima para sa kanilang burol.

Facebook Comments