LABING-ANIM NA ESTUDYANTE SA ALAMINOS, NAKATANGGAP NG SCHOLARSHIP GRANT MULA SA REAL LIFE FOUNDATIONS

Labing anim na estudyante ang nabigyan ng pagkakataon at nakatanggap ng scholarship mula sa Bike Riders ng Ride for Life Foundation matapos ang ginanap na fundraising event sa Lungsod ng Alaminos.
Nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaang Lungsod sa Real Life Foundation sa pangunguna ng Alaminos Local Coordinator, Pastor Amiel Nava sa pamamahagi ng Real Life Scholarship sa labing-anim na mga estudyante mula sa Alaminos.
Handog ng nasabing Foundation sa mga scholars ang wholistic scholarship, tuition, allowances, travel expenses, gadgets, at lahat ng kailangan ng estudyante para sa edukasyon.

Mayroon din buwanang leadership training at weekly coaching ang mga nakatanggap ng scholarship. |ifmnews
Facebook Comments