
Ipinaliwanag ng Department of Finance (DOF) kung bakit hindi pa pabor ang pamahalaan sa pagsuspinde ng VAT sa mga produktong petrolyo.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Finance Usec. Karlo Adriano na nasa ₱30 bilyon ang mawawalang kita ng pamahalaan sa loob ng tatlong buwan kapag sinuspinde ang VAT sa langis.
Bukod pa ito sa ₱4.1 bilyong mawawala dahil sa suspensyon ng excise tax sa LPG at kerosene.
Ayon pa sa DOF, maaaring maapektuhan ang pondo para sa ayuda at iba pang programa ng gobyerno kapag nabawasan ang koleksyon sa buwis.
Gayunman, tiniyak ng ahensya na patuloy nilang babantayan ang sitwasyon at pag-aaralan ang mga susunod na hakbang.
Facebook Comments










