P5 DAGDAG PASAHE SA MGA TRICYCLE SA SISON, APRUBADO NA

Aprubado na ang ₱5 dagdag-pasahe sa mga pampasaherong tricycle sa bayan ng Sison, Pangasinan matapos aprobahan ang petisyon ng mga tsuper dahil sa kawalan umano ng kita.

Batay sa resolusyon, saklaw nito ang mga pampasaherong tricycle sa lahat ng ruta sa bayan na nagpapataw ng dagdag limang piso na singil sa kada pasahero.

Ayon sa ulat, nagmula ang panukala sa mga petisyon ng iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) sa bayan dahil tumataas rin umano ang kanilang gastusin kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis na nakakaapekto sa kanilang arawang kita.

Napagkasunduan ang nasabing dagdag singil sa bawat pasahero bilang kompromiso sa kasalukuyang sitwasyon ng transport group.

Kaugnay nito, inaasahang agad na ipatutupad ang dagdag-pasahe sa lahat ng saklaw na ruta kalakip ng abiso na ipapaskil sa bawat pumapasadang tricycle. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments