Lalaki arestado.matapos mang karnap ng motorsiklo

Makato, Aklan — Arestado ang isang lalaki matapos na mang karnap ng motorsiklo kahapon sa Brgy. Libang, Makato, Aklan.
Ang suspek ay nakilala kay Sherwin Magharing Reyes, sa legal na edad at residente ng Brgy. Dongon West, Numancia.
Sa report ng Makato PNP ay dumulog sa kanilang opisina kanina si John Laurencio Ginoy, 44-anyos ng Libang, Makato at nag report na ang kanyang Honda TMX motorcycle, kulay itim na may Plate # 060107 ay nawawala habang ito ay naka park sa kanilang garahe.
Sa isinagawang imbestigasyon ng mga kapulisan napag alaman na kahapon ng gabi Pebrero 8 ay kanyang ipinarada ang kanyang motorsiklo sa garahe mga 150 metro ang layo sa kanilang bahay at nadiskubre lamang na wala na ito kaninang umaga.
Nakilala ang suspek matapos ang isinagawang follow up at agad na tinungo ng mga pulis ang bahay ng suspek sa pangunguna ni PMaj. Belshazzar Villanoche, OIC Chief of Police kung saan kanila itong naabutan doon.
Sa pag imbestiga pa rin ng mga kapulisan sa suspek inamin nito ang kanyang kasalanan at pag abandona ng nasabing motorsiklo sa bakanteng lupa na sakop ng Brgy. Tabangka, Numancia.
Agad na pinuntahan ng mga pulis ang lugar kasama ang may ari nga motorsiklo at pagdating doon ay positibo nya itong na identify.
Inaresto naman ang suspek at dinala sa Makato PNP na ngayon ay nasa kanila ng kustodiya at posibleng mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang Anti-Carnapping Act of 2016.

Facebook Comments