
Inaresto ng mga tauhan ng Bautista Municipal Police Station (MPS) ang isang 47 anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest dakong alas-9:35 ng umaga noong March 2, 2026 sa bayan ng Bautista.
Kinilala ang akusado na residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dinakip ang suspek dahil sa kasong Assault upon an Agent of a Person in Authority sa ilalim ng Article 148 kaugnay ng Article 152 ng Revised Penal Code. May inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱18,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang pag-aresto, agad dinala ang suspek sa kustodiya ng Bautista MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Patuloy namang pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at igalang ang mga alagad ng batas upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










