LALAKI, ARESTADO SA KASONG STATUTORY RAPE SA ALICIA

CAUAYAN CITY- Nasakote ng mga otoridad ang tinaguriang Top 4 most wanted person sa Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Amando”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong statutory rape na inisyu noong ika-5 ng Hunyo taong kasalukuyan kung saan walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Alicia Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments