LALAKI, ARESTADO SA TANGKANG CARNAPPING NG TRICYCLE SA SAN CARLOS CITY

Tiklo ang isang 20 anyos na lalaki matapos mahuli sa tangkang pagtangay sa isang tricycle sa Purok 4, Brgy. Rizal San Carlos City, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, nahuli sa akto ng anak ng may-ari ang suspek habang sinusubukang tangayin ang kanilang tricycle.

Mabilis na rumesponde ang barangay officials at mga tauhan ng Traffic Management and Regulation Unit (TMRU) kung saan naabutan at naaresto nila ang suspek sa lugar ng insidente. Narekober din ang tinangay na tricycle at dinala, kasama ang suspek, sa San Carlos City Police Station para sa dokumentasyon.

Dinala muna ang suspek sa Pangasinan Provincial Hospital para sa kinakailangang medical examination bago ibinalik sa San Carlos CPS para sa nararapat na disposisyon. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng naturang kaso ng carnapping. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments