Lalaki huli sa buy bust operation ng PP2

Huli ang isang lalaki sa Drug Buy Bust operation kahapon 11:45 ng umaga sa Rajah Tabunaway street barangay Poblacion 6 ng PP2 na pinangunahan ni PCI Efren Salazar. Kinilala ang suspect sa pangalang Marop Abdullah Alongan residente ng barangay Kalanganan 1 ng lungsod.Nakuha sa kanyang posisyon ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 200 pesos. Isang pulis ang nagpanggap na bibili sa suspect at ng iniabot nito ang isang sachet ay mabilis siyang hinuli. Siyay nakapiit na sa lock-up cell ng PP2 at nahaharap sa paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments