PHRA NAKHON SI AYUTTHAYA, THAILAND – Pinaghihinalaang nakuryente ang isang 35-anyos na lalaki matapos umanong gamitin ang cellphone nang naka-charge.
Patay na at bloated raw ang katawan ni Supakhet Saraboon nang matagpuan sa loob ng kaniyang kuwarto noong Lunes ng gabi.
Batay sa imbestigasyon, nasa tainga pa daw ng biktima ang ginamit na headset habang naka-konekta sa cellphone na nagcha-charge.
Nag-alala raw ang kaibigang si Surawat Sukpanya dahil hindi ito sumasagot sa text o tawag nang mahigit tatlong araw.
“His ex-girlfriend then texted me to visit him, so I went to his house and found no one. Another neighbour and I decided to break into his house, then we found him dead,” saad ni Sukpanya.
Kaagad daw siyang nakipag-ugnayan sa emergency team makaraang madiskubre ang bangkay ni Saraboon.
Nakumpirma naman nakuryente ang lalaki, base sa resulta ng awtopsiya na isinagawa ng otoridad.
“There are no suspects involved with the death, so we believe it is an accident caused by the phone. People need to be careful when they are using headphones and charging their phone at the same time,” pahayag ni Police Colonel Surapong Thammapitak, hepe ng Phra Nakhon Si Ayutthaya police.